Add parallel Print Page Options

10 At(A) sa araw na iyon ang ugat ni Jesse ay tatayo bilang sagisag ng mga bayan, siya ay hahanapin ng mga bansa; at ang kanyang tirahan ay magiging maluwalhati.

11 At sa araw na iyon ay muling iuunat ng Panginoon ang kanyang kamay upang mabawi ang nalabi sa kanyang bayan, mula sa Asiria, Ehipto, Patros, Etiopia, mula sa Elam, Shinar, Hamat, at mula sa mga lupain sa baybayin ng dagat.

12 Siya'y maglalagay ng sagisag para sa mga bansa,
    at titipunin niya ang mga ipinatapon mula sa Israel,
at titipunin ang mga nangalat ng Juda
    mula sa apat na sulok ng lupa.

Read full chapter